Naiwan ko ung phone kong may globe sim sa loob mismo ng bodega.
Tumulong kasi ako mag-ayos ng kamada ng mga stocks para hindi mabasa ng tubig na pumapasok sa loob ng bodega.
Affected ako sa pangungulit ni Kuya Ace sa love life ko. Bakit ang hirap sabihin na hindi ako pihikan, na hindi naman talaga mahalaga kung white o brown complexion. Na tingin ko intimidated sila sa’kin kaya NBSB pa rin ako. Na gusto kong mag-intay pero may mga panahon na katulad nito na nalulungkot ako.
Pano ba naman sa 2 araw kong mag-isa umuwi after ng ilang linggong may kasa-kasama, naramdaman ko ung lungkot ng pag-iisa. Epekto ng street lights, solitude at mga kanta sa sasakyan. Tapos ngayon, kinukulit ako ni Kuya Ace ng ganon.
Nawala tuloy gana ko maglaro sa laptop.
And led me to write this post.
Alam mo, kanina ko pa gustong lumabas. mag-internet. uminom ng coffee float. Kaso dumating sila kaya nawala na sa isip ko.
At ngayong nababanas ako, gusto kong lumabas. Ang sarap kasi ng feeling ng maglakad sa gabi, walang masyadong tao.
May namimiss akong hindi ko matanto kung ano o sino.
Nalulungkot din ako kasi wala akong concrete na gusto sa buhay. Magkatrabaho o wala, ok lang sa’kin. At nawiwindang ako sa sarili ko dahil dun. Yes, walang direksyon ang buhay ko ngayon.
Alam kong dapat akong mag-aral dahil sa mga bagay na nakasalalay sa pagpasa ko, pero heto ako at nagttype. click.click.click
At nilunod na ng usapan sa telepono ng kasamahan ko ung iba ko pang sasabihin. :/